Si Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
"Bilang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, ang isyu ng Hong Kong ay nagsisilbing suliraning panloob ng bansa. Hindi dapat makialam ang Canada sa usaping ito." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagdaraos ng Kanada ng hearing tungkol sa mga may-kinalamang isyu ng HK at pagdalo sa hearing ng puno ng oposisyon ng HK.
Ipinahayag ni Hong, na sapul nang bumalik ang Hongkong sa Tsina, matagumpay ang isinasagawang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa HongKong, at tinanggap ito ng komunidad ng daigdig. Aniya, kung maisasakatuparan ang nakatakdang pangkalahatang halalan ng HKSAR sa taong 2017, alinsunod sa saligang batas at katugong desisyon ng Pirmihang Lupon ng NPC, ito ay magpapakita ng progresong pangkasaysayan sa prosesong pandemokrasya ng HK. Buong lakas na magbibigay-suporta ang pamahalaang sentral sa usaping ito, dagdag pa ni Hong.