"Sa darating na paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Fascist War at Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression, umaasa kaming gagawa ang Hapon ng tumpak na pagpili sa mga isyung pangkasaysayan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag na kung puwede pang maisakatuparan ang rekonsilyasyon sa pagitan ng Tsina at Hapon, tulad ng Pransya at Alemanya. Sinabi ni Hong na tinukoy kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa preskon na kung aaminin ang pagkakasala ng mga bumiktima sa kanilang kamalian, mas madaling maibsan ang sakit at dusa ng mga biktima. Ito aniya'y pahayag at karanasan ng isang dating diplomatang Tsino.
Ipinahayag ni Hong na palaging isasagawa ng Tsina ang inklusibong patakaran sa Hapon, at palagi rin nitong pinaghihiwalay ang krimen ng militarismong Hapones at mga karaniwang mamamayang Hapones. Pero, ang susi sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones ay dapat ipakita ng Hapon ang kanyang katapatan, seryosong harapin ang mapanalakay na kasaysayan, at maayos na hawakan ang mga isyung pangkasaysayan.