Natapos kahapon ang dalawang araw na Ika-9 na Pulong ng mga Ministro ng Tanggulang Pambansa ng ASEAN. Ipinahayag ng mga kalahok na magkakasama silang magsisikap para harapin ang banta mula sa "Islamic State (IS)" at pangalagaan ang seguridad at katatagan ng rehiyong ito.
Sa isang news briefing na idinaos pagkatapos ng pulong, sinabi ni Hishammuddin Hussein, Tagapangulo ng nasabing pulong at Ministrong Pandepensa ng Malaysia, na nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa suliraning panseguridad sa rehiyon at daigdig. Aniya, buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na dapat pahalagahan ang banta na dulot ng IS sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng