Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Thailand, magkakasamang itatatag ang China-ASEAN Beidou Technology City

(GMT+08:00) 2015-03-19 16:13:18       CRI

Sa Linggo ng Thailand na ginanap kamakailan sa Wuhan, punong-lunsod ng lalawigang Hubei sa gitnang Tsina, ipinatalastas ng Wuhan at Thailand na magkasama nilang itatag ang China-ASEAN Beidou Technology City na nakabase sa Thailand.

Kung itatatag ang nasabing Technology City, magiging itong pinakamalaking base ng aplikasyon ng Beidou technology na nakabase sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang Beidou Navigation Satellite System (BDS) ay global navigation satellite system na idinebelop ng Wuhan Optics Valley Beidou Holding Group Co., Ltd. (Optics Valley Beidou).

Ayon sa Wuhan at Thailand, ang itatayong Technology City ay magsisilbing komprehensibong base ng kooperasyon at pagbibigay-tulong na panteknolohiya ng Tsina at mga bansang ASEAN, na magtatampok sa paggamit ng BDS, business incubator, simulation facilities para sa siyensiya't teknolohiya, pagpapalitan at pagsasanay na akademiko, at iba pa.

Ang BDS ay katulad ng NAVSTAR Global Positioning System (GPS) ng Amerika at Global Navigation Satellite System ng Rusya (GLONASS) at compatible ito sa nasabing mga global nagivation satellite system. Noong Marso, 2014, ang Thailand ay naging unang mamimiling dayuhan ng BDS.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>