Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lee Kuan Yew, yumao sa edad na 91

(GMT+08:00) 2015-03-23 09:23:38       CRI

Caption: Sa larawang ito na kuha noong Aug. 9, 2013, makikita si Lee Kuan Yew na dumadalo sa National Day Parade sa Marina Bay, Singapore.

Ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore, sumakabilang-buhay kaninang madaling-araw (Lunes) si dating Punong Ministrong Lee Kuan Yew, sa edad na 91 taong gulang.

Siya ay nanungkulan bilang Punong Ministro ng Singapore mula 1959 hanggang 1990.

Si Lee ay maaalala bilang isang politikong may napakalaking impluwensiya at nai-ambag sa pag-ahon ng Asya.

Lee Kuan Yew bilang lider

Noong 1965, naghiwalay ang Singapore at Malaysia. Noong panahong iyan, ipinangamba ni Lee ang hinaharap ng kanyang bago at maliit na bansa.

Ipinatalastas niya ang pagsasarili ng Singapore, na may luha sa kanyang mga mata.

Aniya, "sa mula't mula pa'y umaasa akong magiging isang bansa ang Singapore at Malaysia. " 

Gayunpaman, hinimok niya ang mga mamamayan ng Singapore na puspusang magsikap para sa pagtatatag ng bansa.

Aniya, "itatatag natin ang bansa bilang isang halimbawa ng may harmonyang lipunan na binubuo ng iba't ibang lahi. Ang Singapore ay hindi para sa anumang partikular na lahi, kundi para sa lahat ng mga mamamayan. Noong nakaraan, tayo ay dumagsa rito; ngayon, ang Singapore ay isa nang makabagong lunsod; at 10 taon mula ngayon, ito ay magiging metropolis. Kaya, hindi kayo kailangang matakot."

Pagkaraan nito, puspusang pinasulong ni Lee ang reporma at pagpapaunlad na pangkabuhayan, at binuksan ang Singapore sa mga dayuhang mamumuhunan.

Samantala, nilikha rin ni Lee ang sistemang panlipunan na angkop sa pag-unlad ng Singapore.

At dahil sa nasabing mga pagsisikap sa loob ng 30 taon, umunlad ang Singapore bilang isa sa mga pinakamayamang bansa sa Asya.

Pero, mayroon ding mga kontrobersya hinggil kay Lee Kuan Yew, at isa sa mga ito ay ang "Asian Values " na kanyang iniharap.

Noong 1990's, mabilis na umahon ang Newly Industrial Economics (NIEs) ng Asya,iniharap ni Lee ang "Asian Values " na nagsasabing hindi kailangang sumunod ang mga bansang Asyano sa values ng mga bansang kanluranin. Itinuring ito bilang pagtatanggol sa kanyang pamamaraang "kamay na bakal" sa Singapore.

Pagluluksa ng daigdig

Ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Lee ay isang estratehistang may sense of value ng silangan at pananaw na internasyonal.

Ayon naman kay Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), "sa panahon ng pagdiriwang sa Ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Singapore sa taong ito, ang ama nitong si Lee Kuan Yew ay maaalala bilang isa sa mga lider na nagbigay-inspirasyon sa Asya.

Ayon naman kay Pangulong Barack Obama ng Amerika, si Lee ay isang katangi-tanging indibiduwal, at nakikiramay siya sa pamilya at mga mamamayang Singaporean sa pagyao ng kanilang ama.

Profile

Si Lee Kuan Yew ay ipinanganak noong Setyembre 1923 sa isang pamilyang Tsino. Si Lee ay isang matalinong na estudyante sa mataas na paaralan. Di-nagtagal, siya ay pumasok sa Cambridge University at nag-major sa batas.

Pinakasalan niya si Kwa Geok Choo noong 1950 at sila ay biniyayaan ng dalawang (2) anak na lalaki at isang (1) anak na babae. Ang kanyang panganay na anak ay si Lee Hsien Loong, ang kasalukuyang Punong Ministro ng Singapore, at pangatlong punong ministro ng bansa.

Hindi naging madali ang buhay para kay Lee noong panahon ng pagsakop ng Hapon sa Singapore (1942 hanggang 1945).

Bumalik si Lee sa Singapore bilang isang abogado noong 1949. Tumulong siya sa pagdaraos ng mga lokal na eleksyon at nagsilbi rin bilang legal advisor ng mga samahang manggagawa.

Noong November 1954, kasama ang ilan pang nakapag-aral sa Britanya, binuo ni Lee ang People's Action Party (PAP), at si Lee ang naging pangkalahatang kalihim nito.

Nakuha naman ni Lee ang luklukan ng Tanjong Pagar noong 1955, at sa kanyang determinasyon, pinamayagpagan ng PAP ang pambansang halalan noong 1959. Dahil dito, hinirang si Lee bilang unang Punong Ministro ng bansa.

Noong Setyembre 1963, ang Singapore ay naging bahagi ng Malaysia sa pamamagitan ng isang unyon.

Pero, noong Agosto 1965, nagkahiwalay ang Singapore at Malaysia, at dito nagsimula ang Republic of Singapore.

Noong 1990, nilisan niya ang pagiging PM; at matapos ang ilang taon, siya ay nanungkulan muli bilang senior minister at minister mentor. Itinuturing si Lee bilang Amang Tagapagtatag ng Singapore, dahil sa panahon ng panunungkulan niya, mabilis na umahon ang kabuhayan ng bansa.

Kahit maliliit ang teritoryo at kulang sa yaman, sa ilalim ng pamumuno ni Lee, ang Singapore ay naging isang maunlad na bansa na may malinis at epektibong pamahalaan, masaganang ekonomiya, may harmonyang lipunan at magandang kapaligiran.

Salin: Lele/Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>