Bilang pagbibigay-galang at pakikidalamhati sa pagkayao ni Lee Kuan Yew, dating Punong Ministro ng Singapore, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na si G. Lee ay tagapagtatag ng ugnayan ng Tsina at Singapore, at nakapagsagawa rin siya ng pangkasaysayang ambag para sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Pinapurihan din ni Hong si Lee bilang isang diplomatang Asyano na may katangi-tanging impluwensiya. Aniya, si Lee ay estratehista na may sense of value ng silangan at pananaw na internasyonal.
Yumao si Lee kaninang madaling araw sa edad na 91, ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore.
Si Lee Kuan Yew, na itinuturing na Amang Tagapagtatag ng Singapore, ay nagsilbi bilang punong ministro ng bansa mula 1959 hanggang 1990, at pagkaraan, bilang senior minister at minister mentor.
Salin: Jade