Tagsibol na sa Tsina. Maiksi pero maganda ang panahong ito kung saan tumutubo ang halat ng mga halaman at namumukadkad ang lahat ng mga bulaklak. Inililigpit na rin ng mga tao ang makakapal na damit na pantaglamig at lumalabas para tamasahin ang magagandang tanawin.
Iniimbitahan namin kayong samahan kaming pumunta sa Tonglu, siyudad na sinasabing parang isang larawan, na 120 kilometro ang layo mula sa Hangzhou, punong-lunsod ng lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Larawang kinunan noong ika-23 ng Marso, 2015 na makikita ang samu't saring bulaklak na namumukadkad sa Tonglu County, Hangzhou, lunsod na tinataguriang paraiso sa mundo. Maraming turista ang inaakit ng tanawing ito.
Photo Source: Xinhua
Salin: Jade