Mula ngayong araw hanggang ika-29 ng buwang ito, sa Boao ng lalawigang Hainan ng Tsina, idinaraos ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) for 2015. Si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, ay lalahok sa seremoniya ng pagbubukas ng BFA 2015 at bibigkas ng talumpati.
Ang tema ng taunang pulong ng BFA sa taong ito ay "Asia's New Future:Towards a Community of Common Destiny".
Ang mga mainit na paksa sa taong ito ay kinabibilangan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ""One Belt, One Road", (Silk Road Economic Belt and the 21st Century Maritime Silk Road) ", ASEAN Community, East Asia Economic Community, magkakasamang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road, at iba pa.