Ayon sa Asian Competitiveness Annual Report 2015 ng Boao Forum for Asia na ipinalabas dito sa Beijing kahapon, nasa ika-9 na puwesto ang Tsina sa listahan ng komprehensibong kakayahang kompetetibo ng mga ekonomiya sa Asia-Pasipiko noong 2014.
Kabilang sa unang 10 puwesto ng nasabing indeks ang mga bansa at rehiyon na Singapore, Hong Kong ng Tsina, Timog Korea, Taiwan ng Tsina, Australia, New Zealand, Hapon, Israel, Tsina at Bahrain, ayon sa pagkakasunod.
Ipinalabas din ng naturang ulat ang resulta ng pagtasa sa kakayahang kompetetibo ng mga listed enterprises sa Asya-Pasipiko noong isang taon. Pumasok sa unang 10 puwesto ang 4 na bahay-kalakal ng Tsina, 3 bahay-kalakal ng Hapon, 2 bahay-kalakal ng Timog Korea, at 1 bahay-kalakal ng Australia.
Salin: Vera