Para sa nakararaming tao, ang pagpapakasal ay nangangahulugang pinili ng isang tao ang gustong gustong makasama niya sa habang-buhay. Pero, paano kung mahirap na gumawa ng desisyon?
Ayon sa balita ng elitereaders.com, may isang lalaking galing sa probinsyang Samut Songkram ng Thailand, ang hindi makapagdesisyon kung sino sa kababatang kambal ang kanyang papakasalan. Kaya, nagpropose ang 24 ayos na si Winchao Tao, sa nagkakambal na sina Sirintara at Thipawan, 22 taong gulang.
Surprisingly, sumang-ayon ang dalawang babae, dahil sabi nila mula pagkabata, pinapangarap nilang maging nobyo si Tao. Bagama't medyo wirdo, pinayagan na ng pamilya ng kambal ang kalagayang ito dahil sa kanilang matinding pagmamahalaan, dagdagan pa ng 220 gramo ng ginto at 80,000 baht bilang regalo sa bawat bride, idinaos ang kakaibang kasalan.
Ipinahayag ni Tao na pagkaraan ng kasalan, pantay na pantay na pakikitunguhan niya ang dalawang babae at naghanda na ang pamilya ni Tao ng dalawang silid para sa kanyang dalawang asawa. Ayon sa kasunduang narating nila, sa unang tatlong gabi, matutulog si Tao kasama ni Sirintara at sa huling tatlong araw, kasiping ni Tao si Thipawan. At kung Linggo, matutulog ang tatlong sa isang kama.