Ipinahayag kahapon ng Pangalawang Gobernador ng Probinsyang Mukdahan ng Thailand na sulong ang teknolohiya ng Tsina sa High-speed Rail (HSR). Malaki aniya ang katuturan ng kooperasyong Sino-Thai sa HSR para sa pagpapalakas ng pag-uugnayang pangkabuhayan ng dalawang bansa, at Tsina at ASEAN, at tinatanggap ng mga mamamayang Thai ang HSR mula sa Tsina.
Dagdag pa niya, kasalukuyang isinusulong ng Thailand ang pagtatatag ng limang espesyal na sonang pangkabuhayan, at ang probinsyang Mukdahan ay isa sa mga ito. Winiwelkam aniya ng Thailand ang pagsasagawa ng mga bahay-kalakal at may kinalamang organo ng Tsina ng pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Thailand sa mga aspektong gaya ng kabuhayan at kalakalan, turismo, edukasyon, at medisina.
Salin: Li Feng