|
||||||||
|
||
Noong ika-5 ng Abril ay Qingming Festival ng Tsina at Easter naman para sa mga Kristiyano. Ang una ay kapistahan ng Tsina ay para gunitain ang mga patay at ang huli ay para ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. At magkapareho ang ilang kagawian ng dalawang kapistahan tulad ng
Paglalakbay sa labas
Sa Tsina, ang Abril ay panahon ng tag-sibol, isa sa mga pinakamagandang panahon para sa buong pamilya na maglakbay o mamasyal. At sa mga bansang nananampalataya sa Kristiyanismo, nagaganap ang maraming aktibidad ng Easter na dinadaluhan ng maraming tao.
Egg
Bukod ng paglalakbay o pamamasyal, mayroon isa pang pagkakatulad ang dalawa, bagama't medyo magkaiba ang katuturan, pawang ang lahat ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa ay nagpapahayag ng kanilang pag-asa sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagpinta sa itlog.
Sa Tsina, ipinalagay ng mga tao na kapag kumain ng isang itlog sa Qingming festival, mananatiling malusog nila sa buong taon. Kaya, ilalaga ng mga mamamayan ang itlog, pipintahan ang mga ito ng iba't ibang kulay at disenyo at aasang magiging maganda ang lahat ng bagay sa bagong taon,
At sa mga Kristiyano naman, ang itlog ay simbolo ni Jesus Christ na sumasagisag ng muling pagkabuhay at kasiyahan. Bukod sa egg hunting na sinasalihan ng mga bata. Sa Gresya, pinipintahan ito ng dark red, kulay ng dugo. Samantala, sa Alemanya, pinipintahan ito ng berde at sa kaugalian ng mga Slav, kinukulayan nila ang mga itlog ng ginto o pilak.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |