|
||||||||
|
||
Ngayong taon ay ika-25 anibersaryo ng paglahok ng Tsina sa operasyong pamayapa ng United Nations (UN).
Sa isang preskon hinggil sa misyong pamayapa ng Tsina na ginanap sa Jinan, lunsod ng lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, sinabi ni Li Xiuhua, Pangalawang Puno sa Misyong Pamayapa ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na bilang pirmihang miyembro ng UN Security Council (UNSC), palagiang kinakatigan at nilalahukan ng Tsina ang operasyong pamayapa ng UN sa buong mundo. Naninindigan din ang Tsina na dapat patangkarin pa ang pumapatnubay na papel ng UNSC sa operasyong pamayapa sa daigdig.
Inilahad din ni Li na ang Tsina ay ang bansa na may pinakamaraming tauhang pamayapa sa limang pirmihang miyembro ng UNSC. Idinagdag pa niyang sa pagtatapos ng 2015, aabot sa humigit-kumulang 3100 ang bilang ng tropang pamayapa ng Tsina na mas marami ng 400 katao kumpara sa kasalukuyang bilang; sa gayon, aangat sa pampitong puwesto ang Tsina mula sa kasalukuyang ika-11 sa kabuuang 121 kasaping bansa ng UN na may tropang pamayapa na nakatalaga sa apat na sulok na daigdig.
Ani Li pa, binubuo ang tropang pamayapa ng infantrymen, inhenyerong militar, guwardya, sundalong militar, tagamasid na militar at tagayapong militar. Bukod dito, upang mapalakas ang kakayahang pamayapa, naitatag ng hukbong Tsino ang mekanismo ng pagsasanay at naitatag din ang mekanismo ng pagpapalitan at pagtutulungan sa mahigit 80 bansang dayuhan at organisasyong pandaigdig.
Tagasalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |