|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ni Khalid Abu Bakar, Puno ng Kapulisan ng Malaysia, na sa kautusan ni Punong Ministro Najib Razak, muli siyang nagpadala ng isang grupo ng mga pulis patungong Ukraine para hanapin ang mga labi ng bumagsak na Flight MH17 ng Malaysia Airlines at kilalanin ang huling batch ng mga nasawing pasahero at tauhan ng nasabing eroplano.
Ang grupo na binubuo ng pitong (7) pulis ay nakatakdang magsagawa ng magkasanib na imbestigasyon sa Ukraine, kasama ang grupong pang-imbestigasyon mula sa Netherlands. Naka-iskedyul silang manatili sa Ukraine nang isang buwan, dagdag pa ni Khalid Abu Bakar.
Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine, sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Dalawang daan at walumpu't tatlong (283) pasahero at 15 crew ang nasawi sa trahedyang ito. Tatlong Pinoy na sina Irene Gunawan (54 taong gulang), kasama ang kanyang dalawang anak na sina Sherryl Shania Gunawan (15 taong gulang) at Darryl Dwight Gunawan (20 taong gulang) ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Makaraang maganap ang trahedya, nakilahok kaagad ang Malaysia sa pandaigdig na imbestigasyon. Pero, dahil sa kaligaligan ng kalagayang lokal at sobrang maginaw na taglamig, hindi maaaring pumasok sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano, kaya, pinauwi ng kapulisan ng Malaysia ang mga tagapagsiyasat nito noong katapusan ng 2014.
Imaheng kuha ng satellite na nagpapakita ng lugar kung saan bumagsak ang MH17. Larawang kinunan sa Ukraine noong ika-21 ng Hulyo, 2014 (local time). (file photo: CFP)
Mga bulaklak at laruan na inilagay ng mga mamamayan ng Ukraine sa labi ng bumagsak na MH17 bilang paggunita sa mga nasawi sa trahedya. Larawang kinunan sa Donetsk, Ukraine noong ika-20 ng Hulyo, 2014. (file photo: CFP)
Litratong nagpapakita ng mga ulat ng iba't ibang media ng Netherlands, na kinunan noong ika-20 ng Hulyo, 2014, tatlong araw makaraang maganap ang trahedya. Isang daan at siyamnapu't daalwang (192) taga-Netherlands ang sumakabilang-buhay sa insidenteng ito. (file photo: China News Agency)
Mga kandilang sinindihan ng mga mamamayang Malay bilang paggunita sa mga nasawi sa pagbagsak ng MH17. Larawang kinunan sa KL, Malaysia noong ika-18 ng Hulyo, 2014. (file photo: CFP)
Tagapag-edit/tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido:Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |