Ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Netherlands na sa susunod na buwan, dadalaw sa Malaysia at Australia si Punong Ministro Mark Rutte, para talakayin ang mga suliraning may kinalaman sa imbestigasyon sa insidente ng pagbagsak ng eroplanong MH17 ng Malaysia Airlines.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya noong ika-16 ng buwang ito, humiling si Rutte sa panig Ruso na isagawa ang "kooperasyon sa pinakamalaking digri" sa isyu ng imbestigasyon sa insidente ng MH17.
Noong ika-17 ng nagdaang Hulyo, bumagsak sa hilagang Ukraine ang eroplanong MH17 ng Malaysia Airlines mula Amsterdam patungong Kuala Lumpur. Ang nasabing eroplano ay may lulang 398 tao na kinabibilangan ng 192 Dutchman, 43 Malaysian at 27 Australian. Nasawi ang lahat ng mga pasahero sa eroplano.
Salin: Vera