|
||||||||
|
||
Ang poster ng 3D film version ng Journey to the West
Sinabi ni Rob Moore, Vice President ng Paramount Pictures na ang Sun Wukong, o Monkey King, isa sa mga pangunahing character ng Journey to the West, ay isang warrior na kilala sa buong mundo. Mahiwaga rin aniya ang istoryang ito at bagay na bagay itong itanghal sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Idinagdag din ni Moore na gagamitin ng Paramount sa pelikulang Journey to the West ang mga teknolohiya ng special effects na ginamit sa serye ng Transformers at Terminator 6.
Ipinahayag naman ni Liu Xiao Ling Tong, alagad ng sining na Tsino na kilala sa pagganap bilang Monkey King, isa sa pangunahing bida ng Journey to the West, ang kanyang pag-asang pagsasamahin ng gagawing pelikula ang tradisyonal na sining na silanganin at pinakahuling teknolohiyang kanluranin.
Si Liu Xiao Ling Tong (nakapula ), alagad ng sining na Tsino na kilala sa pagganap bilang Monkey King; at si Rob Moore, Vice President ng Paramount Pictures (ikatlo sa kanan)
Ang Journey to the West, nobelang inilathala noong ika-16 na siglo sa Dinastiyang Ming ng Tsina ay isa sa apat na panitikang klasikong Tsino. Inilalarawan ng nobelang ito ang biyahe ni Tang Sanzang, isang mongheng Budista na Tsino, kasama ang kanilang tatlong tagasunod na sina Sun Wukong, Zhu Wuneng at Sha Wujing, at isang dragon prince na nagsisilbi bilang kabayo ni Tang Sanzang, papuntang India para makuha ang banal na teksto ng Budismo. Marami silang nararanasang pagsubok at pagdurusa sa biyaheng ito.
Ang teleserye ng Journey to the West ay inilabas ng Tsina noong 1986. Itinuturing itong klasiko sa kasaysayan ng telebisyon sa Tsina. Napanood ito ng mahigit 6 na bilyong tao sa buong mundo. Mayroon na ring ilang mga bersyon ang kuwento na isina-pelikula.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
Tagapag-edit sa mga larawan: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |