Ayon sa pahayag na inilabas kahapon ng Kawanihan ng Komunikasyon at Transportasyon ng Lalawigang Guangdong ng Tsina, naghahanda sila ng Kawanihan ng mga Suliranin ng Puwerto ng Thailand para itatag ang relasyon ng mapagkaibigang puwerto sa pagitan ng Puwerto ng Guangzhou ng Tsina at Puwerto ng Laem Chabang ng Thailand.
Ito aniya ay para pasulungin ang komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Sinabi ni Kamolsak Promprayoon, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng mga Suliranin ng Puwerto ng Thailand, na ang naturang kooperasyon ay magpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa paghahatid ng mga paninda at maglilingkod para sa kanilang bilateral na pagluluwas at pag-aangkat.