Nagtagpo kahapon sa Beijing sina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand.
Hinangaan ni Liu ang namumukod na ambag ni Prinsesa Sirindhorn para palalimin ang pagkaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Thailand.
Sinabi pa niya na ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, dapat magtulungan ang dalawang panig para pahigpitin ang kanilang kooperasyon, at palalimin ang pagkakaibigan at bilateral na relasyon.
Ipinahayag ni Prinsesa Sirindhorn na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagkakaibigan ng dalawang panig at nakahanda aniya ang Thailand, na pasulungin, kasama ng Tsina, ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.