Sinabi kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na imposibleng sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Sa isang television program, sinabi ni Putin na sa tingin ng Rusya, ang Ukraine ay isang malayang nagsasariling bansa, at walang hukbong Ruso sa bansang ito. Aniya, maaring normal na mamuhay ang mga residente sa purok-hanggahan ng Rusya at Ukraine, at imposibleng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Putin, inaasahan ng Rusya ang komprehensibong pagpapanumbalik ng normal na relasyon ng Rusya at Ukraine.
Salin: Li Feng