Sa Islamabad — Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw kina Mian Raza Rabbani, Pangulo ng Mataas na Kapulungan, at Sardar Ayaz Sadiq, Ispiker ng Pambansang Asemblea ng Pakistan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Mataas na Kapulungan at Pambansang Asemblea ng Pakistan ay mga matatag na tagapagtanggol at positibong tagapagpasulong ng relasyong Sino-Pakistani. Aniya, dapat palakasin ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan para patuloy na mapatingkad ang positibong papel sa usaping pangkaibigan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng panig Pakistani ang kahandaan sa ibayo pang pagpapasulong ng pagpapalitan ng mga parliamento ng dalawang bansa para mapalalim ang pag-u-unawaan at pagtitiwalaan.
Salin: Li Feng