Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa Pakistan, ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga pahayagang "Combate" at "Daily Khabrain" ang may lagdang artikulo na pinamagatang "Long Live China-Pakistan Friendship." Ito ay hinggil sa kasaysayan, kinabukasan at kooperasyon ng dalawang bansa. Ang artikulong ito ay nakatawag ng matinding reaksyon sa sirkulong pulitikal, sirkulong akademiko, at mga mamamayan ng Pakistan. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Pakistan na ang naturang historikal na pagdalaw ni Xi ay lilikha ng bagong kabanata sa estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Pakistan.
Tinukoy ni Xi na kahit papaano, nagbago ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig, at kalagayang panloob ng dalawang bansa. Palagian ani Xi na umuunlad ang malusog at matatag na relasyong Sino-Pakistani.
Ipinahayag naman ni Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan na ang pagdalaw ni Xi ay magkakaloob ng pagkakataong pangkasaysayan para sa ibayo pang pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nananalig aniya siyang mapapasulong ng naturang pagdalaw ang pagtatamo ng substensiyal na progreso ng konstruksyon ng koridor na pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Salin: Vera