Hanggang sa ngayong gabi, di-kukulangin sa 720 katao ang nasawi sa malakas na lindol na may lakas na 8.1 sa Richter Scale at naganap kaninang tanghali sa Kathamandu, kabisera ng Nepal.
Pagkatapos ng lindol, pangkagipitang sarado ang international airport sa Kathamandu. Nanagawan din ang pamahalaan ng Nepal sa komunidad ng daigdig na magkaloob ang gawaing panaklolo.
Sa kasalukuyan, handa na ang 29 na pandaigdigang rescue team na kinabibilangan ng Chinese International Rescue Team para ipagkaloob ang makataong tulong sa Nepal.
Dahil sa epekto ng nabanggit na malakas na lindol, naguho ang mga bahay sa Tibet, limang katao ang nasawi at 13 ang malubhang nasugatan. Sinimulan kaninang hapon ng pamahalaang Tsino ang emergency plan para isaasyos ang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.