|
||||||||
|
||
Ipinatalastas ngayong araw ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Nepal na umabot na sa 1,805 ang bilang ng mga nasawi sa napakalakas na lindol na naganap kahapon sa bansang ito. Ayon pa sa ulat ng nasabing ministri, umabot naman sa 4,718 iba pa ang nasugatan. Pinabilis na ng komunidad ng daigdig ang pagbibigay-tulong sa nilindol na purok.
Sa magkahiwalay na okasyon, ipinadala nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa Pangulo at Punong Ministro ng Nepal. Sumugod kaninang umaga sa paliparan ang China International Rescue Team na binubuo ng 62 miyembro para lumahok sa gawaing panaklolo sa Nepal.
Nagpahayag din si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) ng lubos na pakikiramay sa Pamahalaan at mga apektadong mamamayan ng Nepal. Puspusan aniyang kinakatigan ng UN ang Pamahalaan ng Nepal.
Ipinahayag naman ng White House na ipapadala ng panig Amerikano ang rescue team sa Nepal, at magkakaloob ito ng tulong na 1 miylong dolyares sa bansang ito.
Isinagawa na ng International Committee of the Red Cross ang pangkagipitang tulong sa purok ng kalamidad sa Nepal.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |