|
||||||||
|
||
Sa Scharzenberg ng estadong Sachsen ng Alemanya, mayroon isang napakaespesyal na supermarket, bagama't makikita ninyo ang halos lahat ng bagay doon, 9 square meters lamang ito, kaya tinatawag itong pinakamaliit na supermarket sa Alemanya.
Ayon sa ulat, ang may-ari ng nasabing supermarket ay ang 64 taong gulang na si Kool. Mula noong 1965, naninirahan siya roon. At sa panahon ng dating Silangang Alemanya, pinatakbo ng mga magulang ni Kool ang isang supermarket na may mga 160 square meters. Pagkaraang pag-isahin ang dalawang Alemaya, minana ni Kool ang supermarket. Dahil hindi maganda ang kita, nitong 3 taong nakalipas, ipinasiya ni Kool na paliitin ang supermarket sa kasalukuyang ayos.
Sinabi ni Kool na iniisip niya na isara ang supermarket, pero, naramdaman ang panghihinayang. Ngayon, bagama't 3 mamimili lang ang puwedeng pumasok nang sabay sabay, kumpleto naman ang kanyang mga produkto at madalas na bumibili ang mga residente sa rehiyong ito.
Ang harapan ng nasabing 9 square meter na mini supermarket
Mga suki at tapat na mga mamimili sa mini supermarket ni Kool
Bagama't napakaliit, napakarami naman ng mga uri ng mga produkto sa tindahan
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |