Mula noong ika-18 hanggang ika-26 ng buwang ito, idinaraos sa Berck sa gawing hilaga ng Pransya ang 9 na araw na International Berck Kite Festival. Sa panahong iyon, ipapalipad ng mga kalahok ang iba't ibang malalaking saranggola na hitsurang talangka, jellyfish, dolphin at iba pa.
Napag-alamang ang International Berck Kite Festival ay isa sa mga pinakamalaking kite festival sa buong Europa at ang mga artist at technican mula sa Tsina, Indya, Malaysia at iba pang bansa ay inanyayahan sa nasabing kapistahan. Bawat Abril, lumalampas sa 60 libong apisyonado ng saranggola at turista ang dumadalo sa kapisthang ito. Hanggang sa kasalukuyan, 29 na taon na itong idinaraos.