|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng People's Bank of China (PBOC), Bangko Sentral ng Tsina, ang pagbaba ng interest rates simula ngayong araw, para mapasulong ang real economy.
Ito ang ikatlong beses nang pagbabawas ng interest rates ng Bangko Sentral ng Tsina. Ang unang pagbaba ay noong Nobyembre, 2014, at pangalawa, nitong nagdaang Marso.
Babawasan ng 25 basis points ng Bangko Sentral ng Tsina ang benchmark deposit at loan interest rates. Pagkatapos nito, magiging 2.25% ang isang-taong deposit rate at 5.1% naman ang isang taong lending rate.
Sinabi ni Ma Jun, Punong Ekonomista ng Kagawaran ng Pananaliksik ng PBOC, na ang pagbaba ng interest rates ay hindi puwedeng ituring na quantitative easing (QE) ng Chinese Version.
Idinagdag pa niyang ang QE, na ini-adopt sa ilang maunlad na bansa, ay isang serye ng di-kombensyunal na hakbangin na isinasagawa ng pamahalaan kung ang policy interest rates ay malapit sa sero, at kakaharapin ng bansa ang pag-urong ng real economy. Ipinagdiinan ni Ma na hindi ito nagaganap sa Tsina dahil ang Bangko Sentral ng bansa ay mayroon pa ring maraming kombensyunal na tools para mapasulong ang liquidity.
Sinabi naman ni Qu Hongbin, Punong Dalubhasa ng HSBC hinggil sa Kabuhayan ng Tsina, na angkop sa kasalukuyang situwasyong pangkabuhayan ng bansa ang nasabing desisyon ng PBOC dahil kinakaharap ng Tsina ang presyur sa pagbaba ng paglaki ng kabuhayan at ang panganib ng deflation. Idinagdag niyang malakihang makakatulong ito sa pagbaba ng halaga ng pangongolekta ng pondo ng mga indibiduwal at bahay-kalakal.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |