Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng panig opisyal ng Myanmar, noong unang tatlong buwan ng taong ito, umabot sa halos 22 bilyong US dollar ang halaga ng pamumuhunan sa Myanmar ng iba pang mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang bilang na ito ay katumbas ng 40% ng kabuuang halaga ng puhunang dayuhan noong unang kuwarter.
Ayon din sa datos, maliban sa Kambodiya, ang lahat ng iba pang walong bansang ASEAN ay namumuhunan sa Myanmar. Ang unang tatlong puwesto ay kinabibilangan ng Thailand, Singapore at Malaysia.
Salin: Jade