Ayon sa balitang online ng Economic and Commercial Counsellor's Office ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, sa kanyang biyahe kamakailan sa Kanada, nag-usap si Pangulong Benigno Aquino III at ang kanyang counterpart na Kanadiyano na si Stephen Harper hinggil sa paglagda ng dalawang bansa ng Kasunduan sa Malayang Kalakalan.
Sumang-ayon din ang dalawang bansa na magsisimula ng talastasan hinggil sa nasabing kasunduan. Sa katapusan ng buwang ito, magtutungo sa Pilipinas ang delegasyon ng Kanada na pamumunuan ng Kalihim ng Kalakalan para ibayo pang makipagtalastasan sa Pilipinas hinggil sa mga detalye ng isyung ito.
Salin: Jade