|
||||||||
|
||
NAGPASALAMAT ang Pilipinas sa pagkakaalis sa talaan ng mga bansang nahaharap sa mga problemang dulot ng illegal, unreported at unregulated (IUU) fishing.
Lumabas sa website ng European Commission kahapon ang pagpapawalang-saysay sa yellow card na iginawag sa Pilipinas noong Hunyo 2014 sa kakulangan ng programa upang masugpo ang mga illegal na gawain sa industriya ng pangingisda.
Noong ika-10 ng Hunyo, inilabas ng European Union ang "yellow card" bilang pormal na panawagan sa Pilipinas na tupdin ang pangako nitong pigilin ang illegal, unreported at unregulated fishing. Kailangang tupdin ito upang hindi makasama sa mga bansang ayaw makiisa sa pandaigdigang kampanya laban sa masamang gawi sa pangingisda.
Isang magandang pagkakataon ang naganap sapagkat mapipigilan ang masamang epekto ng illegal na pangingisda at makapagbibigay ng matatag na hanapbuhay sa may 1.8 milyong namamalakaya.
Ayon kay Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka, isang malaking tagumpay ang naganap sapagkat mas maraming makikinabang sa yamang mula sa karagatan.
Bumibili ang European Union ng may P 8 bilyong halaga ng isda taun-taon mula sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |