Hinimok ngayon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Hapon na pabilisin ang pagwasak sa mga sandatang kemikal na naiwan nito sa Tsina, batay sa Chemical Weapons Convention at mga may kinalamang memorandum ng dalawang bansa.
Sa isang regular na preskon, sinabi ni Hua na ang mga sandatang kemikal na naiwan ng Hapon sa Tsina ay isa sa mga malubhang krimen na ginawa ng militarismo ng Hapon 70 taon na ang nakakaraan. Sa kasalukuyan, nakakapinsala pa rin ang nasabing mga sandata sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino at kapaligiran.
Idinagdag pa ni Hua na sa pagsisikap ng Tsina at Hapon, mahigit 50,000 naiwang sandatang kemikal ang narekober at mahigit 37,000 sa mga ito ang nawasak na. Pero, ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na atrasado pa rin ang gawain ng pagwasak sa itinakdang plano ng dalawang bansa.
Salin: Jade