Sinipi kagabi ng Yonhap News Agency ang balitang mula sa panig militar ng Timog Korea na isinagawa ng Hilagang Korea ang artillery drills sa karagatang malapit sa gawaing kanluran ng Peninsula ng Korea.
Ipinahayag ng panig militar ng T.Korea na kahit hindi pumasok ang mga bala ng kanyon sa katimugan ng linyang-hanggan ng Hilagang Korea at Timog Korea sa karagatan, apektado pa rin nito ang seguridad ng Timog Korea. Anito, kung isasagawa ng Hilagang Korea ang bagong probokatibong aksyon, bibigyan ito ng Timog Korea ng ganting salakay.