Ayon sa ulat ng pahayagang "Global New Light of Myanmar," nagpulong kamakailan sina Pangulong Thein Sein at mga ministro ng Myanmar, para talakayin ang tungkol sa plano ng paggagalugad ng imprastruktura sa rehiyong Pasho-Kenglak — purok-hanggahan ng Myanmar at Laos.
Umaasa si Thein Sein na babalangkasin ng pamahalaan ang nasabing plano sa lalong madaling panahon. Napag-alaman, ang planong ito ay kinabibilangan ng pagpapatayo ng otel, paaralan, pamilihan, ospital, instalasyon ng telekomunikasyon at komunikasyon, at iba pa.
Salin: Li Feng