Ang Prosisyon ng Our Lady of Fátima sa Macao tuwing ika-13 ng Mayo ay isa sa mga mahalagang kapistahan ng Katolisismo. Ito ang seremonya bilang paggunita sa Our Lady of Fátima.
Ayon sa alamat, noong 1917, ilang beses na nagpakita si Virgin Mary sa Fátima, Portugal, sa tatlong shepherd children na sina Lúcia Santos at kanyang mga pinsan Jacinta at Francisco Marto. Sa naturang prosisyon, pinapasan ng mga babaeng naka-puting damit ang istatuwa ni Our Lady of Fátima sa unahang hanay. Makikita rin dito ang tatlong bata na parang mga shepherd children, na nakasaksi sa pagpapakita ni Our Lady of Fátima.
Salin: Vera
Litrato: Imagine China (DFIC)