Ngayong araw, ika-12 ng Mayo, 2015, ay ika-7 anibersaryo ng pagkaganap ng Super Lindol ng Wenchuan. Bumalik ang isang reporter ng Pahayagang Da He ng Sichuan Province sa nilindol na lugar at sa pamamagitan ng kanyang kamera, inirekord niya ang pamumuhay ng pitong pamilyang nawalan ng anak sa lindol.
Yao Ruoqiong: mayroon pa akong isang anak, kaya, may bagong pag-asa
"Bagama't ibinigay na ng pamahalaan ang isang tindahan sa akin, hindi ako mahusay sa business, kung buhay pa ang aking batang anak, tiyak na tutulungan niya ako. Magaling siya sa pag-aaral.
Ngayong araw, gusto kong sabihin sa kanya, mayroon siyang bagong kapatid na babae na pinangalanang Yaoyao, 6 na taong gulang na siya at napakamaaalahanin. Sa lindol, 10 kapamilya ko ang namatay at nitong 7 taong nakalipas, mayroon isang bagong miyembro ang aking pamilya,kaya kami ay may bagong pag-asa. "
1 2 3 4