|
||||||||
|
||
NANANATILI ang alituntunin ng Pilipinas na ilalayo at itataboy ang Asian "boat people" o mga walang dokumentong migrante mula sa Myanmar at Bangladesh kung sakaling makararating sa baybay-dagat.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., ipinatutupad lamang ng Pilipinas ang napapaloob sa batas.
Kahit pa matatag ang paninindigan ng Pilipinas sa ondocumented migrants, tumulong din ang bansa sa "boat people" tulad ng mga refugee mula sa Vietnam noong dekada sitenta.
Nagtatag pa rin ang Pilipinas na processing center para sa mga Vietnamese migrants.
Inulit ni Kalihim Coloma ang paglagda ng bansa sa 1951 Convention Relating to the Status of Refugees na nagbibigay ng tulong sa mga taong lumilikas sa kanilang mga bansa dahilan sa kaguluhan.
Ipinaliwanag ni G. Coloma na ipagpapatuloy pa rin ang pagliligtas ayon sa mga mekanismo ayon sa pagkilala sa Convention.
May mga balitang aabot sa 6,000 mga Bangladeshi at Rohingya Muslims mula sa Myanmar ang sakay ng mga bangka sa mga karagatan ng timog silangang Asia matapos iwanan ng human smugglers. Nabalita ring itinataboy ng mga bansang Malaysia, Thailand at Indonesia ang mga bangka mula sa kanilang baybay-dagat.
Magpupulong sa Bangkok ang 15 bansang sangkot sa krisis sa darating na Mayo 29.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |