Hinimok kahapon ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia, ang pamahalaan ng Myanmar na idaos ang pag-uusap hinggil sa pagpigil sa krisis ng mga repyugi sa dagat. Bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, idaraos ng Malaysia ang pangkagipitang pulong para hanapin ang solusyon sa nasabing isyu.
Nanawagan minsan ang Thailand sa ASEAN na idaos ang rehiyonal na summit hinggil sa krisis ng mga repyugi sa dagat. Pero tinanggihan ng Myanmar ang paglahok sa ganitong summit. Ipinahayag nitong ang isyu ng mga repyugi sa dagat ay hindi isyu ng Myanamr.
Salin: Vera