Kinatagpo kahapon ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea ang dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Amerika na si John Kerry. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa situwasyon sa Peninsula ng Korea, pagpapatibay ng aliyansang militar ng dalawang bansa, katugong estratehiya na nakatuon sa Hilagang Korea, at iba pa.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Park Geun-hye na magsisikap ang Timog Korea para pabutihin ang relasyon sa Hapon; ibayo pang palakasin ang relasyon sa Tsina; pasulungin ang kooperasyon sa pagitan ng T.Korea, Amerika at, Hapon; at pasulungin ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina, Timog Korea, at Hapon.
Sinabi naman ni John Kerry na positibo siya sa nasabing pagsisikap ng T.Korea. Ipinahayag ni Kerry na handa na ang preparasyon ng Amerika para ibalik sa normal ang kalagayan sa Peninsula ng Korea at magbigay ng makataong tulong dito. Dagdag pa niya, ang pinakamasusing isyu sa kasalukuyan ay ang pagpapakita ng katapatan ng Hilagang Korea sa pagbalik sa talastasan upang maisakatuparan ang Peninsula ng Korea na ligtas sa sandatang nuklear.