Ipinalabas kamakailan ng Tsina ang pambansang plano na tinatawag na Made in China 2025. Ayon sa planong ito, buong-sikap na pabubutihin ang kalidad ng mga produktong "Made in China." Kasunod ng planong ito, dalawa pang katulad na plano ang isasagawa ng Tsina para maging pangunahing lakas ng paggawa sa 2049, ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinalabas ng Xinhua, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, ang isang komentaryo. Anito, noong sinaunang panahon, sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok sa daigdig ang mga produktong "Made in China" na kinabibilangan ng Four Great Inventions (compass, gunpower, paggawa ng papel at pamamaraan ng paglilimbag), seda at porselina. Noong huling dako ng 1970s sapul nang ilunsad ng Tsina ang reporma at pagbubukas, ang produktong Tsino ay nailuluwas sa iba't ibang lugar ng daigdig. Sa pagtupad ng planong Made in China 2015, nagsisikap ang Tsina para i-upgrade ang kasalukuyang katayuan bilang pandaigdig na pabrika ng pagpoproseso na nagtatampok sa mga produktong labor-intensive, patungong mahalagang base ng daigdig para sa modernong kasangkapan at teknolohiya.
Anang komentaryo, ang pagsisikap ng Tsina ay inaasahang magpapasulong sa kalidad ng pamumuhay ng sangkatauhan.
Salin: Jade