Kahapon, sa magkahiwalay na okasyon, nagpadala ng mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesia bilang pagbati sa kauna-unahang pulong ng people-to-people exchange mechanism sa antas ng pangalawang premyer ng dalawang bansa, na idinaos kahapon sa Jakarta.
Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping na noong Oktubre ng 2013 sapul nang pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia, lumalalim ang pagtitiwalaang pampulitika at nagiging mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Nananalig aniya siyang ang nasabing mekanismo ay makakatulong hindi lamang sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapalitan ng kultura at tauhan, kundi pagpapalakas din ng komong mithiin at determinasyon ng mga mamamayan sa pagpapasulong ng kanilang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Pangulong Joko Widodo na ang pagtatatag ng nasabing mekanismo ay alinsunod sa kasunduang narating ng mga kataas-taasang lider ng Tsina at Indonesia. Aniya, kasabay ng pagbuo ng mekanismong pandiyalogo ng dalawang panig sa larangang pampulitika at pangkabuhayan, ang people-to-people exchange mechanism ay magpapatibay sa batayan ng suporta ng publiko sa pagpapasulong ng bilateral na pagtutulungan nito.