|
||||||||
|
||
REPORMA ang ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino. Ito ang sinabi ni Budget and Management Secretary Florencio Abad sa kanyang talumpati sa Economic Journalists Association of the Philippines Forum sa Makati Shangri-La Hotel kanina.
Sinimulan nila ang pagbabago sa kalakaran ng pamahalaan upang matamo ang kaunlaran sa larangan lipunan. Naging mas mabilis ang kaunalrang natamo kaysa mga nakalipas na taon.
Inamin ni Secretary Abad na ang burukrasya ay natutong kumilos subalit hindi napaghandaan ang masigasig na growth targets. Naging problema ang underspending sapagkat mahihina pa ang mga ahensya sa paggasta na mas maayos ng kanilang mga pondo. Pinahalagahan din nila ang transparency, accountability at resiliency measures sa pamahalaan.
Hindi naman nararapat ikabahala ang underspending sapagkat may tatlong pinahahalagahang kaisipan ang pamahalaan tulad ng pagkakaroon ng mas malalaking nalikom ng hindi nagtaas ng buwis maliban sa Sin Tax Reform. Nakalikom na ang pamahalaan ng may P 2 trilyon mula noong manungkulan ang Aquino administration.
Ang kanilang pinagkakagastusan ay ang tunay na kailangan ng pamahalaan at ng lipunan, dagdag pa ni Kalihim Abad.
Pinag-iibayo pa nila ang kalakaran para sa transparency at accountability sa burukrasya.
Hindi umano maiiwasan ang pagbagal ng paggasta ng pamahalaan bagama't panandalian lamang ito. Sa inilabas na ulat ng pamahalaan sa mas mababang pag-unlad ng Gross Domestic Product, inaalam pa rin nila sa Department of Budget and Management ang pinaka-ugat ng underspending.
Sa lahat ng mga ito, nanindigan si G. Abad na pangmatagalan ang epekto ng kanilang mga programa sapagkat inaayos nila ang kalakaran ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |