Sa okasyon ng World No-Tobacco Day, pormal na sinimulang isagawa kamakailan ang Regulasyon hinggil sa Pagkontrol sa Paninigarilyo ng Beijing. Ayon sa naturang regulasyon, komprehensibong ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng mga silid ng lugar na pampubliko, opisina, mga pila sa labas, at iba pang lugar sa Beijing. Bawal ding maglagay ng smoking room ang mga paliparan at otel.
Ang regulasyong ito ay tinatawag na "pinakamahigpit na regulasyon sa kasaysayan" sa aspekto ng pagkontrol sa paninigarilyo. Para sa mga maninigarilyo at di-maninigarilyo, ito ang isang napakagandang pagkakataon upang mapabuti ang kalusugan.
Ang paninigarilyo ay hindi lamang nakakapinsala sa kalusugan ng mga maninigarilyo, nagdudulot din ito ng kapinsalaan sa ibang tao at mga kaapu-apuhan. Narito po ang ilang kagulat-gulat na anunsiyo sa buong mundo hinggil sa masamang resulta na dulot ng paninigarilyo.
Salin: Vera