Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng White House, sinabi nito na inaprobahan na ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagdaragdag ng 450 tauhang militar sa Iraq para tulungan at sanayin ang hukong Iraqi sa pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)."
Anang pahayag, idedeploy ang naturang mga tauhang militar sa probinsyang Anbar sa dakong kanluran ng Iraq. Mamamahala sila, pangunahin na, sa gawain ng pagsasanay at payong militar para sa tropang Iraqi.
Sa kasalukuyan, halos 3,100 tauhang militar ng Amerika ay nakakatalaga sa Iraq. Bunga ng nasabing pagdaragdag, aabot sa halos 3,500 ang bilang ng mga Amerikanong tauhang militar sa Iraq.
Salin: Li Feng