Ayon sa pahayag ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Iraq, may naganap na mainitang pagsasanggunian kahapon sa pagitan ng hukbong pampamahalaan at mga militanteng Islamic State (IS), sa Al Anbar, pinakamalaking lalawigan ng Iraq sa dakong kanluran ng bansa.
Di-kukulangin sa 24 na miyembro ng IS ang napatay ng hukbong Iraqi. Samantala, tatlong sundalong Iraqi naman ang nasawi.
Noong ika-17 ng Mayo ng taong ito, sinakop ng IS ang Ramadi, kabisera ng lalawigang Al Anbar. Ito ay itinuturing na pinakamalaking pagkabigo ng hukbong Iraqi, sapul noong Hunyo, 2014, nang simulan ng pamahalaang Iraqi ang komprehensibong pagbibigay-dagok sa IS. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasanggunian ng hukbong Iraqi at IS sa iba't ibang lugar ng lalagiwang Al Anbar at lalawigang Salah ad Din, sa silangan ng Al Anbar at hilaga ng Baghdad.
Salin: Jade