|
||||||||
|
||
Idinaraos ngayon sa Kunming, Lalawigang Yunnan, sa timog-kanluran ng Tsina ang 23rd China Kunming Import & Export Fair (Kunming Fair).
Dahil sa mas malawak ng pagbubukas ng pamilihang Tsino na nag-aalok ng mas malaking potensyal sa kalakalan ng Tsina at iba't ibang bansa, nakaakit ito ng 6510 kompanya at kalahati sa kanila ay mula sa mga bansang Timog at Timogsilangang Asya. Ang bilang na ito ay doble kumpara noong 2014.
Ang Goldentop ay nag-iisang kompanyang Pilipino na lumalahok sa fair na ito.
Booth ng Goldentop sa Kunming Fair
Sa panayam ng Serbisyo Filipino ng China Radio International, sinabi ni Albert Abaya, Presidente ng Goldentop, na lumahok siya dito para ipakilala sa mga negosyante sa iba pang bansa ang kapaligiran ng pamumuhunan ng Pilipinas. Samantala, ibabahagi niya ang natutunan niya mula sa fair na ito sa mga negosyanteng Pinoy para mas marami ang kanilang kaalaman tungkol sa ganitong pagkakataon at umaasa siyang lalahok sila sa hinaharap.
Itinatag ang Goldentop noong 1995. Nagtatampok ito sa pagluluwas ng mga sariwang prutas na tulad ng saging at mangga mula sa Pilipinas patungong mga siyudad ng Tsina na gaya ng Hong Kong at Guangzhou; Singapore at iba pang bansa't rehiyon. Binabalak aniya ng kompanyang magluwas ng mga dried mangos at inuming mangga sa Tsina.
Sinabi pa niya na malaki ang potensyal ng pamilihang Tsino para sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, marami ang kalakalan sa pagitan ng mga pribadong kompanya ng Tsina at Pilipinas, gaya ng steel parts at produktong agrikultural. Ngunit, kaunti lang ang kalakalang pampamahalaan, lalong lalo na, sa larangan ng imprastruktura. Aniya pa, pagbalik sa Pilipinas, isusumite niya ang usaping ito sa mga may kinalamang samahang pangkomersyal at Departamento ng Kalakalan para mapalawak ang kalakalang ito.
Si albert Abaya ay Vice President ng Filipino-Chinese General Chamber of Commerce, INC. at Director & Chairman External Committee ng Chinese Filipino Business Club, INC.
Ulat nina Andrea Wu at Machelle Ramos
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |