Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing sa delegasyon ng National League for Democracy ng Myanmar(NLD) na pinamunuan ni Aung San Suu Kyi, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) at Pangulo ng bansa, na nitong 65 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, nananatiling matatag ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan at mabunga ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Binigyang-diin niyang palaging pinapakitunguhan ng Tsina ang relasyong Sino-Burmese, batay sa pangmatagalang estratehikong pananaw, sinusuportahan nito ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng Myanmar, iginigalang ang landas ng pag-unlad na pinili ng bansa, kinakatigan ang rekonsilyasyon nito, at buong lakas na pinapasulong ang tradisyonal na pagkakaibigan at pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi, na pinahahalagahan ng NLD ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Myanmar, at hinahangaan ang tagumpay na natamo ng Tsina sa ilalim ng pamumuno ng CPC. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng kanyang pagbisita ang pagtutulungan ng dalawang partido, at mapapasulong pa ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig.