Inulit kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang konstruksyon ng Tsina sa mga isla at batuhan sa South China Sea (SCS) ay nasa loob ng sariling teritoryo. Ipinagdiinan niyang may di-maipagkakailang soberanya ang Tsina sa nasabing mga isla at batuhan, at hindi ito kailangang patunayan sa pamamagitan ng konstruksyon.
Winika ang paninindigang ito ng tagapagsalitang Tsino bilang tugon sa pananalita nang araw ring iyon ni Yoshihide Suga, Punong Kalihim ng Gabinete ng Hapon. Sinabi ni Suga na ang konstruksyon ng Tsina sa mga isla at batuhan sa SCS ay hindi nagpapatunay ng pag-aari ng Tsina sa mga ito.
Salin: Jade