Binabalak ng Tsina na itayo ang mga bagong pasilidad na sibil na tulad ng lighthouse at radio navigation station sa Nansha Islands sa dakong timog ng South China Sea.
Kabilang din sa mga pasilidad na sibil ang para sa pag-oobserba sa kapaligiran, pagpigil at paghupa sa kapahakaman, suporta sa transportasyon at lohistikal.
Sinabi ng National Development and Reform Commission (NDRC), punong organo sa pagpaplano ng kabuhayan ng Tsina, na ang layunin ng konstruksyon ng nabanggit na pasilidad na sibil ay para matugunan ang pangangailangan ng mga taong nakatagala sa Nansha; pagkalooban ang komunidad ng daigdig ng serbisyong pampubliko na gaya ng pagbibigay-tulong sa mga bapor na dumadaan, pagbabala sa tsunami at lindol at paghahanap at pagliligtas sa karagatan; at pasulungin ang pagtutulungang pandaigdig sa pananaliksik sa karagatan.
Salin: Jade