Mula ika-16 hanggang ika-20 ng buwang ito, idinaraos sa Ascot, Britanya, ang Royal Ascot 2015, pinakamaluhong horse race sa buong mundo.
May mahigpit na kahilingan sa kasuotan ang Royal Ascot. Dapat magsuot ang mga lalaki ng stovepipe hat, shirt, tie, at gilet. Ang maitim o gris na full dress ay tiyak na kinakailangan.
Ayon sa tradisyon ng Britanya, dapat magsuot ng sumbrero ang mga babae na dadalo sa mga mahahalagang aktibidad o okasyon. Kaya para sa mga babae na may British formal look sa Royal Ascot, ang sumbrero ay isang napakahalagang bahagi.
Ibig sabihin, ang horse race sa Britanya ay katulad ng fashion show, o hat show. Narito po ang ilang katangi-tanging sumbrero sa Royal Ascot 2015.
Salin: Vera