Idinaos kahapon sa Beijing ang ika-8 pulong ng Lupong Patnubay sa Kooperasyon ng Tsina at Biyetnam. Magkasamang itong pinanguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Pangalawang Punong Ministrong Pham Binh Minh ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Yang Jiechi, na sa harap ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, umaasa siyang maisasakatuparan ang malusog at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames, batay sa pagpapatupad sa komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pagpapasulong ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na bilang pangunahing tunguhin ng relasyon ng Tsina at Biyetnam, pinahahalagahan ng Biyetnam ang mapagkaibigang pagkikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya siyang palawakin ng Biyetnam ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Tsina, at ibayo pang palalalimin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig.