Noong ika-21 ng Hunyo, local time, idinaos ang taunang Habanero (spicy chili peppers) Eating Contest sa Chichen Itza Restaurant sa Los Angeles, California ng Estados Unidos(E.U.). Ang mga kalahok ay dapat kumain ng chili sa abot ng makakaya sa loob ng 20 minuto.
Noong taong 1994, natiyak ng Guinness World Records na ang Habanero ay pinakamaangahang chili sa buong mundo at umabot sa 100,000 hanggang 325,000 ang Scoville Rating nito na ilang daang libong ulit kumpara sa regular na Jalapeno pepper na madalas na kinakain ng marami.
Ang mga lumuluhang kalahok sa habanero eating contest.
Sa bandang huli, nakain ni Teresa De Jesus ang 53 habanero sa loob ng 20 minuto at idineklarang panalo sa paligsahan.